Dugong Tsino, Lahing Pilipino (10 2012)
Kapag sinabing Tsino, lalo na sa kasalukuyan, ang madalas na naiisip ng mga tao ay ang mga mayayamang banyaga na alisto sa negosyo. Ang estereotipong ito ay hindi na kataka-taka sapagkat kahit sa usapang kasaysayan ng Pilipinas kapag mga Tsino at mestisong Tsino ang pinaguusapan, ang madalas na natatandaan lamang ay ang kanilang epekto sa ekonomiya. Subalit bagama’t totoong napakalaki ng pagbabagong na-idulot ng mga Tsino at mestisong Tsino sa ekonomiya, nagkaroon din sila ng kontribusyon sa iba’t-ibang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas; tulad na lamang ng kanilang kontribusyon sa pagkakabuo ng ideya ng nasyonalismo sa mga Pilipino.
Ang itatalakay ng papel na ito ay ang mga kaganapang nagbigay daan sa kontribusyong ito. Mahahati sa tatlong bahagi ang papel na ito; Magsisimula sa kung papaano lumago ang populasyon ng mga Tsino at mestisong Tsino sa Pilipinas at kung papaano rin sila nakapagdulot ng mabibigat na epekto sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang ikalawa ay ang kung ano ang mga naging pagtrato ng mga Kastila sa kanila habang sila ay namalagi sa Pilipinas at kung ano rin ang naging reaksyon nila sa pagtatratong iyon. At ang pinakahuling itatalakay ay kung papaano ito nakatulong sa pagkakabuo ng ideya ng nasyonalismo sa mga Pilipino.
Isa sa mga dahilan na nagsi-dako ang mga Tsino papuntang Pilipinas ay dahil nakakita sila ng magandang oportunidad na inihahain ng ekonomiya ng bansa para sa kanila. (Juan, 48-68) Pinagsamantalahan nila ang Kalakalang Galyon noong mga panahong iyon kung saan sila ay naglayag bilang mga mangangalakal at pati narin bilang mga bihasang manggagawa. Noong mga panahong iyon, tinawag silang Sangley ng mga Kastila. May dalawang posibilidad kung bakit ito ang tawag sakanila, ang una ay dahil sa wikang Tsino, “shengli” (生理) ang tawag sa negosyo. Maaring naging dahilan ito ng pagbuo ng tawag na Sangley sa konteksto na kapag tinatanong ng mga katutubo o Kastila ang pakay nila, “shengli” ang kanilang sinasagot. Ang pangalawang posibilidad namana ay ang paggamit nila ng mga salitang “shang” (商) na tawag rin sa negosyo at “lai” (来) naman ang tawag sa pagdating, maari namang sa kontekstong ito ay nagtatawag ang mga Tsino ng mga mamimili ng kanilang kagamitan. Noong mga panahon ng pananakop ng mga Kastila, sinuportahan ng mga Kastila ang dinalang negosyo ng mga Tsino dahil nakita nilang tanyag ang sila sa larangang ito. Ang mga produktong dala nila ay sumasaklaw mula sa mga sutla hanggang sa mga batingaw, at ang kabayaran naman na hiningi nila ay sa anyo ng pilak na siyang dinadala nila pabalik ng Tsina.
Noong taong 1571, pinangalagaan ng unang Kastilang konkistador na si Miguel Lopez Legaspi ang mga Sangley. Hinimok nya ang paglalayag ng mga Sangley sa Pilipinas at binigiyan pa ng mga ispesyal na pagtrato dahil naniwala siyang makatutulong sa ekonomiya ang negosyong dala ng mga Tsino. Dumami pa lalo ang mga nagsi-datingang Tsino sa Pilipinas dala-dala ang kanilang mga banyagang produkto. Dahil sa katanyagan ng mga Tsino pagdating sa mga produktong kinakalakal nila, namihasa ang mga Kastila at naging dependyente sila sa mga dalang kalakal ng mga Tsino. Maayos ang daloy ng kalakal sa pagitan ng Pilipinas at Tsino noong panahong iyon at maayos rin ang pagtrato ng mga Kastila sa mga banyagang Tsino. (The Comittee on Research and Publication, 48) Subalit noong 1574, nang tinangkang sakupin ng isang piratang Tsino na nag-ngangalang Limahong ang Pilipinas, mabilis na nawala ang tiwala ng mga Kastila sa mga Tsino. Dahil sa kawalan ng tiwala, unti-unti ring nagbago ang pagtrato ng mga Kastila sa mga ito at ito ay nagdulot ng malawakang pag-patapon ng mga Sangley at Tsinong naninirahan sa Pilipinas pabalik ng Tsina. Makikitang mula sa panahong ito pa lamang, dahil sa mga pangyayaring naganap, ay nagsimula nang nagkaroon ng tensiyon sa relasyong Tsino-Kastila. (Ching-ho, 37)
Gayun pa man, noong taong 1580 kung saan hinirang bilang bagong gobernador heneral ang isang Kastilang nag-ngangalang Gonazalo Ronquillo, muling nagsi-datingan ang mga Tsinong mangangalakal sa Pilipinas. Noong panahong iyon, may ilang mga Tsino na ang nagsimulang maging Kristiyano habang ang karamihan ay nanatiling hindi. Subalit maraming paghihigpit na ipinatupad sa mga Tsino at mestisong Tsinong namamalagi sa Pilipinas, lalo na sa mga hindi pa nagiging Katoliko, marami parin sakanila ang nanirahan sa Pilipinas, karamihan kung saan ay namalagi sa Tondo. Marami rin ang nagtayo ng mga tindahan sa Maynila. Malago na ang mga Tsino sa Pilipinas, nagmayari sila ng maraming lupa at nagkaroon sila ng mga legal na pamamaraan ng pagrerenta tulad ng pacto de retroventa at iba pa.
Ang pangunahing rason kung bakit nagkaroon ng mga paghihigpit sa mga Tsino ay ang tinatawag na “Sinophobia” na nangangahulugan ng takot o pagka-muhi sa mga Tsino at mestisong Tsino. Sa isang banda, ito ay dahil sa mga tangka ng pananakop ng ilang mga Tsinong pirata sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na nagdulot ng mga pag-hihinala sa totoong motibo ng mga Tsino sa pagpunta sa Pilipinas. Sa kabilang banda, naging dahilan narin ang paunti-unting pag-akyat ng posisiyon ng mga Tsino sa bansa. Ilang halimbawa na lamang ng paghihigpit ay ang pagtatag ng Parian de Alcaceria. (Wilson, 41) Ang distritong ito ay itinatag sa pagtatangkang ihiwalay ang mga Tsino sa mga katutubo at pati narin putulin ang posibleng komunikasyon sa mga piratang Tsino. Kasama rin sa paghihigpit ay ang pagsingil ng mas mataas na buwis at dagdag singil ng pamahalaan sa mga benta nila upang mapigilan ang pagdaloy ng pera ng Pilipinas(at Espanya) papunta sa Tsina. Gayunpaman sa katagalan ay nasanay ang mga Tsino sa Parian at doon ay naging malago ang kanilang mga tindahan at binibisita at binibilhan parin sila ng mga tao. (Ching-ho, 63)
Subalit kahit na ganoon ang nangyari, may substansiyal paring epekto ang mga prohibisiyong ito. Kasabay narin ang mga paghihigpit na ito ang pang-aabuso ng mga Kastila sa mga Tsino tulad na lamang ng sapilitang paggawa sa pagiging manggagaod para sa mga Kastilang expedisiyon. Ang mga situwasyong ito ay nagdulot sa pagbagsak ng palitan ng kalakal ng mga Tsino at Kastila sa Pilipinas, at dahil sa pagbagsak na ito, lubhang nahirapan ang mga Kastila sapagkat sila nga ay naging dependyente na sa mga serbisiyo at sa mga produktong dala ng mga Tsino. Dahil dito, muling tinanggal ang ilang mga paghihigpit sa mga Tsinong mangangalakal. (Wilson, 50) Ngunit ginawa naman patakaran na sa pamahalaan lamang maaring magbenta ng kalakal ang mga Tsino kung saan ang pamahalaan ang magtatatag ng presyong ibabayad. Dito pa lamang ay makikitang laganap na ang hindi gaanong magandang pagtrato ng pamahalaang Kastila sa mga lahing Tsino.
Hindi nagtagal ay umunlad muli ang palitan ng kalakal sa pagitan ng Tsino at Pilipinas na makikita sa ilalim ng pamamahala ni Gobernador Heneral Santiago de Vera. Muli noong 1592 kung saan mas lalo pang tumaas ang bilang ng mga Tsino at mestisong Tsino sa Pilipinas na umabot na ng libo-libo, nagtatag muli ng paghihigpit sakanila. Sa pagkakataon ito, paghihigpit naman sa pananamit ang ipinatupad. Pinagbawalan ang mga Kastila at katutubong magsuot ng anumang kasootang Tsino. Ang dahilan sa likod nito ay dahil kinukuha lamang naman daw ng mga Tsino ang tela sa Pilipinas ngunit pinagkakakitaan nila ito ng higit pa sa nararapat na halaga sa bansa. (Ching-ho, 106)
Bukod pa sa paulit-ulit na pagtatag ng mga paghihigpit, patuloy rin noong mga panahong iyon ang pang-aabuso ng pamahalang Kastila sa mga Tsino. Si Gobernador Dasmarinas , isang Kastilang opisyal ay isa sa mga kilalang nang-abuso sa mga Tsino dahil sa sapilitang pagpapagaod sakanila sa isang ekspedisiyong papuntang Moluccas. Sa ekspedisiyong ito, may isang Tsinong nagngangalang Pan Ho-wu ang nagsilbing pasimuno ng pag-aaklas. Naging desidido mag-aklas si Pan Ho-wu dahil sa kalupitan ng mga Kastila sa kaniya at sa kapuwa niyang Tsino. Ito ang kanyang sinabi sa kanyang mga kasamahan noong nasa ekspedisiyon sila: " Should we submit to being flogged to death or suffer any other such ignominious death? Should we not rather die in battle? Let us stab this chieftain to death and save our lives. If we are victorious, let us hoist the sails and return to our country. If we should succumb and be fettered, it will be time enough then to die!"
Naging desperado si Pan Ho-wu noong mga panahong iyon dahil sa kaniyang pananaw, wala naman silang mahahantungan kung hindi hirap at kamatayan rin lamang. Kaya noong gabing iyon, pinagsasaksak at pinag-lulunod ng mga Tsinong nanggagaod ang mga Kastilang kasama nila sa ekspedisiyong papuntang Moluccas. (Ching-ho, 119)
Bukod sa insidenteng ito, maraming dokumento ang nagpapatunay sa sunod-sunod at malakihang pag-aaklas ng mga Tsino laban sa puwersa ng pamahalaang Kastila. Nariyan na ang pag-aaklas noong 1602 kung saan sinunog ng mga Tsino ang Quiapo at Tondo at pinagtangkaang sakupin ang Intramuros, o ang pag-aaklas noong 1740 kung saan may sampung libong Tsino at mestisong Tsino ang napatay, o marami pang ibang pag-aaklas na hindi bababa sa bilang na anim. (See and Juan, 4) Kasabay ng mga pag-aaklas na ito, mas hinigpitan ng pamahalaang Kastila ang kontrol nila sa mga Tsino. Mas lalong inilayo ang Parian mula Maynila, pinabalik ang karamihan ng mga Tsino papuntang Tsina, at pinagbawalang mamalagi at makipag-negosyo ang mga Tsinong hindi pa nagiging Katoliko. (Ching-ho, 141)
Dahil sa mga pangyayaring iyon, ang mga Tsino at mestisong Tsino ay nakaramdam ng matinding pagkahiwalay sa mga katutubo at Kastila, kung kaya’t sila ay nagsimulang magbuo ng kanilang sariling organisasiyon. Dahil sa diskriminasyon, mas lalong natanto ng mga Tsino na nararapat silang magkaisa at magtulungan dahil wala nang ibang tutulong sakanila. (The Comittee on Research and Publication, 90) Nagbuo ng mga sariling gremiyo, at dahil sa napakarami na nang kanilang bilang ay umabot na sa limang porsyento ng kabuuang populasyon ng Pilipinas at masasabing nakita sila bilang tila isang panibagong “uri” sa Pilipinas. (Wickberg, 12)
Importante ring mabanggit na sa mga panahong nangyayari ang unti-unting pagunlad ng mga Tsino, nais ng pamahalaang Kastila gamitin ang relihiyon bilang pang-kontrol sa mga Tsino. Tinuruan nila ang mga Pilipino ng ebanghelyo at hinimuk silang magpakasal sa mga katutubong Pilipino sa ilalim ng simbahan. Naisip ng Kastilang pamahalaan na sa paraang ito, hindi sili kokontrahin ng mga Tsino. (Wickberg, 9) Maari ngang gumana ang taktika nila, ngunit dahil din sa kanilang pang-hihimuk na magpakasal ang mga Tsino at Pilipino, dumami ng dumami ang lahing mestisong Tsino. Sa mga panahong iyon, ang mga Tsino rin ang bumubuo sa napakalaking bahagi ng intelektwual na gitnang uri o ang tinatawag na mga Ilustrados, kaya’t sila ay nakatanggap ng mas mataas na antas ng edukasyon, kung saan ang marami pa nga sakanila ay nagpunta ng Europa upang mag-aral. (See and Juan, 7)
Ngayong nakita na natin kung ano ang ilan sa mga dulot ng pag-unlad ng populasyon at malaking epekto sa ekonomiya ng mga Tsino at mestisong Tsino, natalakay narin ang paraan ng pagtrato ng mga Kastila sakanila at ang kanilang mga reaksyon dito, dumako naman tayo sa usapang kung sa anong pamamaraan nakatulong ang mga Tsino sa pagbuo ng ideyang nasiyonalismong sa Pilipinas.
Matatandaang lubus-lubusang paghihirap din ang natamo ng mga Tsino sa kamay ng pamahalaang Kastila. Hinarap ng mga Tsino at mestisong Tsino hindi lamang ang iba’t ibang paghihigpit at hindi makatarungang pagsingil ng buwis, kung hindi pati narin ang iba’t ibang pang-aabuso. Sa maikling salita, bagama’t ang sentro ng pananakop ay ang mga katutubong Pilipino, damay rin ang mga Tsino sapagka’t dahil sa matagal na pamamalagi ng mga Tsino sa Pilipinas at dahil narin sa “tulong” ng mga Kastila, dumami narin ang mga mestisong Tsino, at tulad ng nabanggit na sa taas, okupado nila ang malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas noong mga panahong iyon.
Dahil dito, nagkaroon ng isang uri ng pagkakaunawa sa pagitan ng Tsino (at mestisong Tsino) at katutubong Pilipino. Ang kaunawaang ito, kasabay ng pagka-liberal ng mga Ilustrado dahil sa kanilang pagkakataong makapag-aral sa Europa, ang nagsilbing daan upang maging bahagi ng pagbuo ng nasyonalismong Pilipino ang mga Tsino at mestisong Tsino. (See and Juan, 8)
Ilang halimbawa na lamang ng mga mestisong Tsinoy na nakapagbigay kontribusiyon sa pagkakabuo ng ideya ng nasyonalismo ang mga sumusunod:
Ang ating kinikilalang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na siyang naging napaka-impluwensiyal sa buhay ng mga Pilipino. Sa sobrang pagkilala ni Rizal sa kaniyang pagiging Pilipino, binitawan niya ang mga salitang ito sa kanyang The First Filipino: “I do not agree. This is unjust! Here it says that I am a half-breed, and it isn’t true! I am a pure Filipino!”
Nariyan rin ang Gomburza, ang tatlong mestisong Tsinong pari na sina sina Mariano Gomez, Jose Apolonio Burgos, at Jacinto Zamora. Dulot ng akusasiyon sa pagkasangkot nila sa Cavite mutiny, sila ay binitay gamit ang garote noong 1872. Ang pagkamatay nila ay nagsilbing inspirasyon sa maraming Pilipino upang ipaglaban ang kalayaan mula sa kamay ng mga Kastila, ito rin ang nagtulak kay Rizal na isulat ang El Filibusterismo. (See and Juan, 10)
Marami pang ibang mestisong Tsino na naging malaki ang kontribusyon sa nasyonalismo ngunit maliban sa kanila ay, mayroon ding mga purong Tsino na nakatulong sa pagbuo ng ideya ng nasyonalismo sa Pilipinas. Subalit hindi sila kilala, malaki ang naging kontribusiyon nila. Isa sa mga mas nababanggit na Tsinong rebolusyonaryo ay si General Jose Ignacio Paua.
Tulad ng ibang mga Tsino, nagpunta si Paua sa Pilipinas para magpayaman. Nagtrabaho siya bilang panday sa Binondo hanggang sa naging tanyag na siya rito. Si Paua ay nagkaroon ng maraming kaibigang Pilipino at isa sa naging pinakamabuting kaibigan niya noon ay si Pantaleon Garcia, isang general sa panahon ng rebolusyon na siya ring kabilang ng Katipunan. Isinama ni Garcia si Paua sa iba’t ibang mga pulong at kasayahan na kinabibilangan ng mga rebolusyonaryo at sa isa sa mga pulong na ito niya nakilala si Emilio Aguinaldo na siyang namangha naman sakanya kaalaman sa mga armas at baril. (See and Juan, 28-29) Dahil sa iba’t ibang mahihirap na karanasang naranasan ni Paua at ng kaniyang kapuwa Tsino sa Pilipinas dahil sa pang-aabuso ng mga Kastila, noong 1896 sa ilalim ng pamumuno ni Emilio Aguinaldo sumali si Paua sa hukbo laban sa mga Kastila. Sa rebolusiyong ito, sinunog ng mga Kastila ang maraming bahay and sinunog at nadamay pati ang mga Tsino rito. Namatay at pinatay ang napakaraming Tsino na umabot sa bilang na halos 900 katao sa pangyayaring iyon. (See and Juan, 5) Naniwala si Paua ang rebolusyon ang sagot sa poblema ng pang-aapi hindi lamang sa kanilang mga Tsino, kung hindi pati narin sa kaniyang mga kaibigang Pilipino. Nanguna siya sa pagpapatayo ng isang pagawaan ng munisiyon o mga sandatang panlaban at tinuruan niya ang mga Pilipino ng pag-papanday. Naging bahagi rin si Paua sa mga aktuwal na labanan at sa mga labanang iyon ay hinangaan siya ng mga kasama niyang mga Pilipinong mandirigma dahil sa kanyang tapang at galing. At noong 1898, dahil nga siya ay nagpakita ng labis na kagalingan sa pakikidigma, ginawa siyang isang general ni Emilio Aguinaldo. Pinamunuan rin ni Paua ang mga labanan ng mga Katipunero sa Bicol, sa Zapote, sa Dasmarinas, at iba pa. Bukod sa kaniyang kontribusiyon sa paggawa ng armas at pakikidigma, nakapangolekta rin siya ng maraming salapi para sa rebolusyon. 400,000 na mehikanong dolyar ang naipon niya mula sa kaniyang kapuwa Tsino upang makatulong sa rebolusyon. Siya rin ang nagdala ng tulong mula sa mga Tsino sa pamamagitan ng maliliit na pangangailanan ng mga mandirigma tulad na lamang ng pagkain, medisina, at damit sa iba’t ibang lugar tulad ng Malolos, Cebu, Ilocos, at iba pa. (See and Juan, 19) Talaga nga namang napakaraming kontribusiyon ni Paua sa Pilipinas lalo na noon panahon ng rebolusyon. Ayon nga kay Emilio Aguinaldo ay: “Through his unselfishness and heroism, General Paua had earned the gratitude of the Filipino nation to whose freedom and welfare he dedicated his life. He loved the Philippines as his own country” (See and Juan, 28)
Bagama’t sa ilalim ng pamumuno ni Emilio Aguinaldo ay isa siya sa mga dumakip kay Andres Bonifacio na siyang humantong sa kamatayan ni Bonifacio, ang paglalarawan sakanya bilang “More Filipinos than many filipinos” ng mananalaysay na si Teodoro F. Agoncillo ay talagang napatunayan ng kaniyang dedikasyon sa mga Pilipino laban sa mga Kastila. (See and Juan, 13)
Sa konklusiyon, napakalaki ng pagbabagong naidulot ng mga Tsino sa kanilang pagdating at pamamalagi sa Pilipinas. Mula sa ekonomiya hanggang sa pagbubuo ng ideya ng nasyonalismo, mararamdaman ang kanilang napakalakas na impluwensiya.
Ang ekonomiya ang naging daanan upang makapagbigay sila ng ganoon kalaking epekto sa kasaysayan ng Pilipinas at sa rebolusyon nila mas napalaki ng labis ang kanilang dalang pagbabago. Hindi maaring sabihin na purong makasarili ang kanilang mga motibo at ito ay suportado ng mga makasaysayang ebidensya ng kanilang pakikiisa sa mga Pilipino lalo na sa rebolusyon upang makamit ang iisang hangarin, ang makalaya sa dominasiyon ng mga Kastila. Ayon nga kay Go Bon Juan na isang manunulat tungkol sa kontribusyon ng mga Tsino sa rebolusyon ng Pilipinas: “The red color of bravery in the Philippine flag also has some drops of ethnic Chinese blood in it.” (See and Juan, 27)
Bibligrapiya
Juan, Go Bon. Myths About the Ethnic Chinese "Economic Miracle". Manila: Kaisa Para Sa Kaunlaran, 1996.
Mercene, Floro M. Revolutionary Hero. October 7, 2011. http://mb.com.ph/node/336890/revolutionary-hero (accessed September 27, 2012).
Ocampo, Ambeth. Philppine Daily Inquirer. 09 3, 2008. http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20080903-158312/Execution-of-Gomburza (accessed 10 05, 2012).
See, Teresita Ang, and Go Bon Juan. The Ethnic Chinese in the Philippine Revolution. Manila: Kaisa Para Sa Kaunlaran, Inc., 1996.
The Comittee on Research and Publication. A Reader on The Philippine Chinese. Quezon City: U.P. Filipino-Chinese Students Association, 1970.
Wickberg, Edgar. The Chinese Mestizo in Philippine History. Manila: Kaisa Para Sa Kaunlaran, 2001.
Wilson, Andrew R. Ambition and Identity. USA: University of Hawaii Press, 2004.
Woods, Damon L. The Philippines: a global studies handbook. Philippines: ABC-CLIO, 2006.
Yiban, Tu. Rizal's Chinese Overcoat. Critique, Manila: Chinese Commercial News, 2005.

Talaarawang Akademiko (Sa Klase ni Leo Nery 2012 1stSEM)
06/18/12
· Natuklasan ko na hindi lamang mula sa mga dokumento ng mga Kastila tungkol sa Pilipinas at ang kasaysayan nito dapat mag-ingat ang bawa’t isa. Dapat mag-ingat din sa pagbasa at pagtanggap ng isinulat ng sarili nating mga kababayan dahil sa posibilidad ng “glorification of the past”.
06/20/12
· Nakita ko ang kahalagahan ng pambansang kasaysayan. Hindi lamang ang kasaysayan ng iilang bayani, kung hindi ng lahat ng naging bahagi ng kasaysayang ito. Ayon kay Sir, na ayon daw sa kanyang guro, “if you want to study the forest, study each tree but don’t study just one.”
06/22/12
· Ang pumukaw sa interes ko ay ang bahagi ng kasaysayan kung saan makikitang pinapahalagahan ang mga babae. Hindi ito katulad ng ibang mga kultura kung saan mababa ang tingin sa mga babae at sa tingin ko, isa itong pananaw na hanggang ngayon ay bitbit parin ng (iilang) mga Pilipino.
06/25/12
· Natuwa ako sa trivia na ang “Tagalog” ay mula sa nga salitang “Taga-ilog”. Maliban dito, ang nakakakuha sa aking atensyon ay ang Mindanao bilang mayroon sentralisadong pamumuno kung kaya’t hindi sila madaling nasakop.
06/27/12
· Ngayong araw na ito, nabanggit na ang lupa sa sinaunang pamayanan ay nakahati depende sa uri. Naisip ko lamang na nagsimula pa pala sa sinaunang pamayanan ay di na pantay ang karapatan ng mga tao: ang mataas ang position ay nakakakuha ng pinakamaganda habang ang mababang uri ay tira-tira na lamang.
06/30/12
· Akala ko isa lamang ang ibig sabihin ng alipin at ito ay ang slave sa ingles. Ang alipin pala ay tinatawag ng dependents dahil sa katotohanan, kahit na sila ay nagtatrabaho para sa mga uring maginoo, sila ay inaalagaan nito. Ngunit sa tingin ko ay may mga panahon ding masama ang pagtrato ng mga amo sa mga alipin kung kaya’t hindi ako naniniwala ng buong buo sa ideya na sila ay hindi nakakaranas ng tulad sa pagtrato sa mga slaves.
07/02/12
· Nagulat ako sa pananaw ng mga unang Protestants na ang buhay sa mundo ay repleksyon ng buhay pagkatapos ng kamatayan, kung saan ang maginhawa sa mundo ay mapupunta sa Langit at ang mahirap ang buhay ay mapupunta sa Impyerno. Makikita na ang maling akalang ito ay dulot ng paghahalo ng kapitalismo at relihiyon.
07/04/12
· Sa labanan sa Mactan, makikita kung gaano kamimportante ang tungkulin ng pinuno sa pamumuno. Ilan sa mga posibleng dahilan sa pagkatalo nila Magellan sa laban na ito ay dahil kawalan ng tiwala ng mga tauhan sa kanilang pinuno. Malaking salik ito sa kanilang pagkatalo dahil ang kawalan ng pagkakaisa ay naging hadlang para sakanila makagawa ng magandang stratehiya sa pakikidigma.
07/06/12
· Bagamat sinakop nina Legazpi ang Cebu, may ugnayan parin sila sa mga katutubo. Ito ay dahil alam nila (dayuhan) na importante ang pagbuo ng magandang relasyon sa pagitan ng isa’t isa upang maisatupad nila ang kanilang layuning kolonisasyon.
07/09/12
· Ang pananaw ng mga Kastila na mas mababa ang wikang Tagalog kaysa sa wikang Kastila dahil sa wala sa wikang tagalog ang mga salitang Kristyanismo na makikita sa wikang Kastila ay isang halimbawa ng ethnocentrism. Sa katotohanan ay walang mas mababang uri ng wika, mayroon lamang ibang mga paniniwala ang mga sinaunang pamayanan sa Pilipinas kung kaya’t hindi angkop ang kanilang wika para sa paniniwalang dala ng mga Kastila.
07/11/12
· Ang reduccion ay isang mahusay na pamamaraan ng pag-organisa ng mga pamayanan ng mga sinaunang Pilipino. Ngunit hindi naintindihan ng mga mananakop na may mga negatibong epekto rin ito sa mga katutubo. Namumuhay lamang sa subsistence economies ang mga katutubo at sapat lamang ang kanilang nakukuhang pagkain kung kaya’t doble ang naging poblema ng mga katutubo dahil nilayo sila sa pinagkukuhanan ng pagkain at dahil pati ang mga dayuhan ay kaagaw na o kailangan naring pakainin.
07/13/12
· Hindi ako natuwa na kahit sa maliliit na bagay, nahahanapan ng mga Kastila ng paraan para dayain ang mga Pilipino. Tulad na lamang sa pamamagitan ng pagbili ng mga ani sa mababang halaga mula sa mga nagsasaka, at pagbebenta muli nito sakanila sa mas mataas na halaga.
07/16/12
· Natawa ako na nanguna sa isang pag-aalsa ang isang babaylan na nagngangalang Tamblot na nakakausap at pinapangakuan ng isang diwata. Maaring sabihin na ang pangako ng diwata ang isa sa mga naging ugat ng pag-aalsa.
07/18/12
· Natuklasan ko na ang dahilan kung bakit hindi masyadong mapasok ng Kastila ang Mindanao ay dahil malalim ang paniniwala ng mga “Morro” sa Islam. Napapakita nito na malaking bahagi ng pananakop ang aspeto ng relihiyon.
07/20/12
Napaka-organisado pala ng marapat na plano para sa Kalakalang Galyon. Ngunit dahil sa pandaraya, nawalan ng bisa ang kaayusang ito, at bunga ng pandarayang ito ay nabuo rin ang Junta de repartiemento.
07/25/12
Ayon kay William Draper, magiting na mandirigma ang mga katutubo. Si William Draper ay hindi isang Pilipino at makikita na ang kanyang komento ukol sa paraan ng pandirigma ng mga katutubo ay hindi lamang isang pambobola upang pabanguhin ang pangalan ng mga katutubo, kungdi isang pag rerekognisa ng totoong galing ng mga katutubo sa pakikipaglabanan.
07/30/12
Sa panahon ng Kalakalang Galyon , naging basehan ng yaman ang lupa at ang kakayahan gamitin ito. Dahil dito naging kawawa ang “sharecroppers” dahil sa pagpapa-trabaho sakanila ng mga tenants . Dito, muli kong nakita ang pang-aabuso ng mga banyaga sa mga katutubo at ikinahihiya kong sabihin na ang mga Tsino ang karamihan sa mga gumagawa noon.
08/01/12
Ang pagbaba ng antas ng pamumuhay ng mga Principalia ay nagdulot na sila ay maging mga Caudillo. Nakakasama ng loob na bumaba man ang kanilang antas ng pamumuhay ay hindi parin natigil ang kanilang pang-aabuso sa mga katutubo. Sa katuwiran ay naging mas marahas pa nga sila sa pakikitungo sa kanila.
08/03/12
Nakapanhihinayang na malaki sana ang potensyal ng Pilipinas maging isang bansang mayaman dahil sa natural nitong yaman ngunit hindi naman ito magamit dahil sa kawalan ng kakayahan ng mga Pilipino. Makikita ito sa mga pangyayari mula noong 1779 kung saan sinubok pasukin ng Pilipinas ang maraming industriya ngunit nabigo lamang rito.
08/06/12
Maraming naidulot na pagbabago sa Pilipinas ang pag-lipat mula sa “subsistence economy” patungong “cash crop economy”. Ngunit hindi ko masasabing maganda ang lahat ng naidulot nito. Nagdala man ito ng modernisasyon sa Pilipinas ay naging pabigat naman ito sa pamumuhay ng ilang mga manggagawa dahil hindi binigay sakanila ang benepisyong nararapat sa kanila.
08/13/12
Makikita sa panahong 1800’s ay tumaas ang papel ng mga Tsino at Tsinong mestizo sa Pilipinas. Hindi lamang ito kung hindi pati narin ang kanilang papel sa politika na makikita sa pagbubuo nila ng sariling gremiyo. Maaring sabihin dito hindi lamang mga Kastila ang kaagaw ng mga Pilipino sa yaman ng Pilipinas kung hindi pati rin ang mga Tsino na namamalagi sa Pilipinas.
08/15/12
Sa panahong kitang kita ang kasakiman ng mga pari dahil sa kanilang kagustuhang magkaroon ng kapangyarihan at yaman na hindi nararapat sakanila, maling pananaw ang naikakalat sa Kristyanismo. Hindi nakatulong sa pagkalat ng paniniwala ang halos pagmonopolyo ng mga pari sa mga lupa noong panahon ng pananankop ng mga Kastila.
08/17/12
Mula sa marahas na interogasyong ginawa ng mga Kastila kay Bonifacio Octavo upang magbigay ng testimonya laban sa Gomburza kahit sa pagkatapos ng kanilang pagbitay, makikita lamang na kinailangan pa ng mga Kastilang labanan ang mga opiniyong ng mga hindi sumangayon sakanilang ginawang pagbitay. Makikita namang alam ng marami, kung hindi ng lahat, na wala talaga sa lugar ang pagbitay sa Gomburza kung kaya’t nagsiklab ito ng makabayang damdamin.
08/22/12
Kahit hindi ako purong Pilipino ay naramdaman ko ang galit ng mga propagandista at pati narin ng mga katutubo noong nangyari ang Exposicion en Filipinas. Talagang tinapakan ng mga banyaga ang dignidad ng mga Pilipino at nakakahiyang malaman na dahil dito namulat ng husto ang mga mata ng mga propagandista sa konsepto ng kapatiran para sa mga katutubong Pilipino.
08/24/12
Noong pinagusapan sa klase ang hidwaan nina Rizal at Del Pilar, hindi ko alam kung ano dapat ang aking isipin. Sa isang banda sumang ayon ako sa mga pamamaraan ni Del Pilar. Sa tingin ko ay istratehiya ang pinapairal niya noong mga panahong nagiging pragmatiko siya. Sa kabilang banda, dahil kinikilala nang pambansang bayani si Rizal, naisip kong maaring mayroon pang dahilan sa likod ng kaniyang konbiksyon na hindi talagang makakatulong ang pagiging pragmatiko. Pero isa lamang ang naging konklusyon ko at iyon ay hindi lamang si Rizal ang dapat ituring na bayani kung hindi marami pang ibang nakisapi sa labang pambansa.
08/29/12
Para sa akin, nalabuan ako sa personalidad ni Rizal. Nagkaroon ng pagkakataong nainis siya sa mga propagandista dahil ayon sa kanya wala na silang inatupag kung hindi ang pagsasaya sa Espanya. Kasama na rito ang pag-iinuman. May isang pangyayari na siya ang pianapagbayad para sa alak na ininom nila ng kanyang mga kasamahan pero tumanggi siya at ang sinabi niya ay hindi nga sila dapat umiinom. Ngunit siya man din ay nakibahagi sa inuman!
08/31/12
Ang Katipunan nga ba ay isang grupong pang-masa? Maaring totoong pang-masa ang Katipunan dahil para naman sa kabutihan ng masang Pilipino ang kanilang mga layunin, ngunit hindi puwedeng sabihin na masa ang bumubuo sa Katipunan dahil halos lahat ng naki-bahagi rito ay mga edukado. Ngunit tulad ng sinabi ko, hindi nito nababago ang layunin ng grupo, at para sa akin ang layunin ang importante dahil ito ang dahilan ng pagkilos ng Katipunan noong mga panahong iyon.
09/03/12
Naalala ko ang komento ng aking guro na ang Katipunan ay parang isang “religious movement” dahil importante para sakanila ang “sosyal justice” at pinapalaganap nila ang importansya ng pagbabagong loob at kapatiran. Malaking katannungan ngayon para saakin ang katotohanan ng pagkakakilala ko sa Katipunan bilang isang radikal na grupo na may radikal na mga layunin. Ang lahat ba pala ng pagkakilala kong iyon ay walang katotohanan?
09/05/12
Naging daluyan ng mga namuno sa Katipunan ang wika upang maipasa ang mga ideya ng Kilusang Propaganda. Kinailangan nilang isalin at gawing pamilyar ang layunin ng K.P. upang maging malapit ito sa puso ng masa para sila rin ay makiisa sa mga layuning ito. Dito makikitang napakalakas ng kapangyarihan ng wika at nakakayanan nitong magdala ng rebolusyonaryong pagbabago.
09/10/12
Unang beses ko narinig na may posibilidad palang peke ang mga sedulang hawak ni Bonifacio noon sabi-sabing maraming pag-uulit ng Sigaw ng Pugadlawin. Naisip ko lamang kung ano kaya ang naging epekto nito sa mga naki-punit sa kanya ng sedula kung nalaman nilang peke ang pinupunit ng namumuno sa kanila. Marahil ang iba ay mawawalan ng gana na ipagpatuloy ang propaganda. Ngunit kung iisiping mabuti, basta’s napunit na talaga ni Bonifacio ang orihinal na kopya ng kanyang sedula ay wala naring pagkakaiba kung punitin pa nya ang mga pekeng sedula. Maaring ang biswal na simbolo ng pagpunit ay isang paraan upang palakasin nga ang loob ng mga tao at sa tingin ko, naging tamang desisyon nya ang biswal na representasyon na ito.
09/12/12
Ang mga pangyayari sa Kumbensiyon sa Tejeros, partikular na ang pang hihiya kay Bonifacio dahil sa pagkakait sa kanya sa mababang posisiyon kung saan siya nahalal ay malaking gulat para sa akin. Ngayon ko lamang napag aralan ng mas malalim ang pamumuno ni Bonifacio at simula dati pa man ay ang akala ko ay isa siyang magaling na bayani na nirerespeto ng lahat. Ngunit sa kumbensiyong iyon kitang kita ang kawalan ng respeto para sa kanya. Si Bonifacio pala ay hindi naging epektibong liderato. Nakakapang gulat na lamang na kahit siya ang bumuo ng isang napaka-tanyag (tanyag para sa henerasyon ko) na grupong Katipunan, ay maramin parin palang hindi nagagalingan sa kanya.
09/14/12
Nabasag na lahat ng inaakala kong alam ko tungkol sa kasaysayan, kahit ang pagpatay sa tanyag na si Bonifacio ay hindi malinaw.. Ang buong akala ko noon ay simple lamang ang dapat na pagtingin sa mga kinikilalang mga bayani ng Pilipinas. May naidulot silang maganda sa bansa at sila ang dahilan kung bakit nakawala tayo sa hawak ng mga Kastila. Ngunit napaka-kumplikado pala ng lahat ng mga pangyayari.
09/17-19/12
Sa dalawang araw na ito ay nanood kami ng palabas na tungkol sa buhay ni Rizal at sa isang banda ay kinikwestyon ang pagkabayani niya. Isang katanungan para sa akin dati kung ano ang koneksyon sa pagiging Katoliko ni Rizal sa kanyang posisyon sa rebolusyon. Hindi ba pwedeng ihiwalay ang dalawang bahaging ito ng kanyang buhay? Ginagawa naman ito ng marami sa panahon natin. Ang bale pala ay dahil noong panahon ni Rizal ay iisa lamang ang simbahan at pamahalaan. Kaya nararapat lang na bigyan pugay si Rizal dahil ano man ang naging totoon desisyon niya ukol sa mga bagay na iyon, ay hindi iyon naging madali, kinailangan niyang itimbang ang dalawang napaka importante ngunit napaka-salungat na bagay: Ang pagiging Kristyano at ang pagiging makabayan.
09/21/12
Sa araw na ito, isang malaking katanungan ang nagbago ng pananaw ko sa kasaysayan ng Pilipinas, o ang mga bahagi nito na kumikilala sa mga bayani. Ang katanungan na ito ay, “ANO ba ang pambansang bayani?” Imbis na ang walang hadlangang debate kung SINO ba talaga ang dapat kilalanin bilang bayani, ang dapat tanungin ay ano ba para sa akin, bilang isang Pilipino ang depinisyion ng isang pambansang bayani. Ngayon ay nakikita ko ang importansya ng pagkilala sa bayani maliban sa dahil sila ang naging instrumento ng pagkamit ng mga Pilipino ng kalayaan. Tulad nga ng sabi ng aming guro, kailangang makilahok ang bawat isa sa kasaysayan, dahil ang pagbalik tanaw ng bawat tao sa kanyang kasaysayan ay siyang huhubog sa kasalukuyan.

Pilosopiya ng Digmaan ng Sinaunang Pamayanan (09 2012)
May iba’t ibang pamamaraan ng pakikidigma ang mga sinaunang pamayanan. Ang mas litaw na pamamaraan ay ang paggamit ng sandata. Ilan sa mga karaniwang sandatang ginagamit ay ang kalis at kampilan na nilalagyan ng lason bago isabak sa digmaan. Ang bankaw, isang importanteng sibat para sa mga mandirigma kung saan bukod sa pakikilaban ay ginagamit rin sa mga iba’t ibang seremonya. Ang songil naman ay itinuturing na prestihyosong sibat kung saan ang mga materyales nito ay hindi mumurahin. Mayroon ding tinatawag na iwa, isang sandatang ginagamit madalas pampugot ng ulo ng kalaban sapagkat ang pagkadesenyo dito ay malapad at patag. Busog at odyong naman ay ang kanilang bersiyon ng bow and arrow. Madalas makikitang may tali na nakakabit lalo na sa mga mamahaling sandata. Ito ay para hindi matangay ng biktima ang sandata at puwede itong muling mabawi ng mandirigma. Ilan sa mga pang- depensa nila na isinusuot sa katawan ay ang barote kung saang materyales ay madalas na kurdon, habay-habay na gawa sa materyales na ginagamit sa sako, at kalasag na pinaniniwalaan hindi kayang talaban ng sandata. (Scott 1994, 147)
Mayroon din silang pamamaraan ng pakikidigma na hindi tuwiran, tulad na lamang ng paggamit ng intimidasyon at panlilinlang. Malaki ang importansya ng intimidasyon bilang panakot sa kalaban, dahil nababawasan nito ang mga posibleng engkwentro ng digmaan; halimbawa na lamang ang intimidasyong gamit ang malalakas na pagsigaw at pagkakaroon ng mga simbolong nagpapatunay ng katanyagan sa digmaan tulad ng mga tato. Ang panlilinlang naman ay binibigyan din ng lubos na importansya dahil sa pamamagitan nito nagagawa ng mga mandirigma na tambangan ang kanilang mga kalaban at sa gayon ay madali nila naabot ang kanilang mga obhetibo sa pakikidigma.
Isa sa mga pangunahing obhetibo ng kanilang pakikidigma, ayon kay William H. Scott, ay marahil ay para sa pagdakip ng mga posibleng gawing alipin. Ang pamamaraang ito ng pakikipagdigma na tinatawag na pangangayaw ay itinuturing na epektibo dahil hindi lamang sila maramihang nakakahuha ng mga alipin, nakukuha rin nila ang kayamanan ng kabilang panig. Ang paglagay nila ng importansya sa pagkuha ng alipin ay dahil bagaman may likas na kayamanan, maliit ang populasyon ng kanilang mga komunidad. Dahil dito kailangan nilang makipagdigmaan upang paramihin ang kanilang populasyon at palakihin ang kanilang alyansa. (Scott 1994, 153)
Isa pang maaring dahilan ng pandirigma ay ang pagpatunay ng pagkapinuno at pagkakalalaki sa pamamagitan ng pagpapanalo sa mga laban. Simbolo nito ang mga tato sa katawan ng mga bisayan, kung saang dahilan ay tinawag silang mga pintado ng mga Kastila. Importante rin para sa sinaunang pamayanan ang prestihyosong posisyon nila sa komunidad dahil sa kakulangan ng pormal sa institusyon, ang mataas na pagtingin ang isa sa mga natatanging pamamaraan ng pagpili ng pinuno.
Isa pang kadahilanan ay ang paggamit sa mga nadakip nila bilang sakripisyo para sa mga ritual, lalo na sa mga datu na pinaniniwalaan nilang makapangyarihan. Maari ring dahilan ang pagdakip ng babaeng mapapangasawa dahil sa isang banda para sa kanila, hindi sapat sa kanilang sari-sariling komunidad ang mga babaeng angkop na pakasalan. Sa kabilang banda, ito ay para magkaroon sila ng kaanak mula sa ibang malalakas na komunidad.
Bukod sa mga pangunahing dahilang ito, maari ring tingnan ang pakikidigma bilang reaksyon sa mga atake ng kabilang panig. Dito pumapasok ang usaping paghihiganti. Para sa mga sinaunang pamayanan, nararapat lamang na ipaghihiganti ang mga kanilang tinuligsa o pinatay na kaanak. Kung totoosin, mayroong paniniwala ang mga sinaunang pamayanan na sila ay mapaparusahan ng kaluluwa ng kanilang mga namatay na kaanak kung hindi nila ito ginawa. Isa pang kadahilanan ng kanilang pakikidigma bilang reaksyon ay ang paghadlang o pag-awat sa mga nanalakay na ulitin ang kanilang pag-atake.
Para sa mga nagtagumpay na mangangayaw, katanyagan hindi lamang sa sarili kung hindi pati narin sa ibang mga komunidad ang kanilang nakakamit. Ang katanyagan sa digmaan ay nagpapatunay rin sa pagkalalaki ng mga mandirigma at sa kanilang posisyon bilang pinuno o potensyal na pinuno ng komunidad. Madalas pagkatapos ng digmaan ay naguuwi ng mga “premyo” ang mga nanalo. Bukod sa kayamanang nakuha mula sa kabilang panig, ang premyong pinahahalagahan ng mga mandirigma ay ang ulo ng kanilang mga kalaban. Ang mga premyong ito ay madalas nilang ginagawang palamuti sa labas ng kanilang tirahan upang makilanlan ng mga tao ang kanilang kahusayan sa pakikidigma. Mayroon ring armas na tinatawag na kalasag kung saan ginagawang palamuti ang buhok ng napatay na kalaban.
Sa pangyayaring nagtagumpay ang mandirigma, kung saan ipinapahayag ito sa pamamagitan ng ugyak o malinggal na sigawan at awit ng mga nagbalik at nagwaging mga mandirigma, mayroong pistahang ginaganap upang ipagdiwang ang panalo. Kung sila naman ay natalo, ipinapahayag na lamang ito bilang isang balita kung saan ipinapaalam sa komunidad ang pagkadakip o pagkapatay ng mga nakipagdigmaan. Subalit, ayon kay Angeles, para sa ibang mga datu, ang pagpapadakip o pagsuko nila sa mga mas malakas na pinuno ay hindi parating itinuturing na pagkatalo. Ito ay dahil para sa ibang mga pinnuno, sa pamamagitan pagpapailalim sa ibang pinuno makakakuha sila ng benepisyo tulad ng proteksyon mula sa ibang mga kalaban. (Angeles 2006, 79)
Madalas na reaksyon rin ng mga inaatakeng komunidad ay ang pagtakas sa malalayong lugar kung saan hindi sila maabot ng mga kalaban. Iniiwanan nila ang kanilang mga tirahan at namamalagi sa mga burol o kagubatan kung saan hindi sila madaling mahahanap. Sila lamang ay babalik kapag wala na ang mga kalaban. Hindi nesesaryong itinuturing na pagkatalo ang pagtakas noong sinaunang panahon dahil para sa kanila, ang kaligtasan ng buhay ay kung totoosing maaring ituring na pagkapanalo.
Dumating rin sa panahon kung kalian kinilala na ng mga sinaunang pamayanan ang kumbensyon nang pakikipagsunduan gamit ang sanduguan. Sa prosesong ito nagiging “magkapatid” ang dalawang panig at nagkakaroon ng kasunduang sila ay magiging magkaalyado.

RH Bill (08 2012)
Maaring tignan sa maraming paraan ang isyu ng Reproductive Health Bill. Puro maganda ang pinapakitang layunin ng probisiyon ng RH Bill, tulad na lamang ng paglaganap ng kaalaman tungkol sa reproductive health upang matulungan ang mga mamamayan sa kanilang desisyon, may layunin din para sa pagpabagal ng paglaki ng populasyon upang mas mabigyan ng tamang pansin ang mga pangangailangan ng mga mamamayang kasalukuyang naghihirap na, mayroon ding pag mungkahi sa mamayan na gawing nang opisyal ang kasalan sa bawat pamilya, nariyan din ang pag-iwas sa pagpapalaglag kung saan maraming kababaihan ang mga potential na sanggol ay namamatay taon taon, at marami pang iba. Ngunit ang hindi inilalantad ay ang mga potensyal na negatibong epekto ng pagsulong sa batas na ito.
Una ay ang isyu sa simbahan, pangalawa ay isyu sa haka-hakang ito muli ay panibagong pamamaraan ng gobyerno mangurakot, at marami pang iba. Ang isyu sa simbahan, sa isang banda ay nakasentro sa aborsyon. Dito papasok ang mga komplikadong tanong kung ang pagpipigil sa pagbubuntis sa pamamagitan ng contraceptive pills ay ituturing narin pagkitil sa buhay ng mga sanggol. Hindi sinasabi ng simbahan na ang gobyerno ang magiging pasimuno sa ganitong gawain dahil isa namang pangkalahatang kaalaman na laganap na ang paglalaglag ng sanggol dati pa man. Ngunit pag naisabatas na at naipakalat na ang mga instrumentong pang-contraception, sa isang banda ay tila hinihimok ng gobyerno ang pagkitil ng buhay. Makikita rin ang isyu ng gobyerno patungkol sa pagpuslit ng pera ng taumbayan. Pag naipatupad na ang RH Bill, bahagi ng pondo ng bansa ay mapupunta sa pambili ng mga condom. Hindi kaya isa nanaman lamang itong pamamaraan upang makakuha ng dagdag na kita ang opisyales ng gobyerno mula sa buwis ng taumbayan para sa mga “ghost” na produkto?
Totoong maganda ang layunin ng RH Bill, lahat naman ng ipinapanukalang batas ay mayroong magandang layunin. Ngunit sa track record n ating gobyerono, katiwatiwala ba ito na magpapatupad ng isang malinis na batas?
Para sa akin, tulad ng sa opinion ng marami sa tumututol sa pagpapatupad ng batas na ito, edukasyon ang dapat ipalaganap. Maliban sa edukasyon, trabaho. Trabaho upang mabigyan ng iba pang pampalipas oras ang mga Pilipino maliban sa pakikipagtalik. At trabaho na sapat ang bayad upang mabigyan ng mga magulang ang kanilang mga anak, pati narin ang kanilang mga sarili ng pagasa makamtan ang edukasyon na kinakailangan nila upang sila ay makatulong sa pagunlad ng bansa at hindi maging pabigat dito.

Kapayapaan: Kalayaan Group of Islands (07 2012)
Marami akong nakuhang maganda at nakakapukaw-interes na impormasyon mula sa presentasyon ni Ambassador Manalo patungkol sa tunggalian para sa Spratly Islands o Kalayaan Group of Islands (KGI). Higit na nakapukaw sa aking interes ang mga dahilan kung bakit nais angkinin ng maraming bansa ang titolo sa KGI. Ang unang dahilan ay dahil sa ito ay isang “main water passage” sa pagitan ng Pacific Ocean at Indian Ocean na nagsisilbing daluyan para sa kalakalan. Naalala ko kaagad ang naaral ko sa HI165 kung saan isinasaad ang importansya ng katawang tubig para sa sinaunang pamayanan dahil sa parehong dahilan. Nakita ko ang importansya ng katawang tubig para sa kalakalan ay hindi nagbabago kahit sa paglipas ng panahon kahit na mayroon nang ibang teknolohiya tulad ng eroplano, atbp. Ang iba pang dahilan kung bakit pinag-aagawan ang KGI ay dahil mayaman ang lugar na iyon sa hydrocarbon at mga mineral at higit sa lahat ay dahil ito ay isang magandang lugar para sa komersyal na pangingisda. Muli ay nakikita ko na kahit mahabang panahong na ang nakalipas mula sa panahon ng mga sinaunang pamayanan, pareho paring pinahahalagahan ang mga bagay na ito.
Ngunit kahit na malaking pakinabang para sa Pilipinas pag makuha ang KGI, nais ipaunawa ni Amb. Manalo na hindi dapat idaan sa dahas ang tunggalian kung hindi sa diplomacy. Sangayon ako sa ideyang ito. Malinaw na hindi ganoon kadaling maayos ang tunggalian para sa KGI pag hindi gumamit ng dahas ngunit naniniwala ako na mas malaki ang negatibong epekto ng digmaan kesa sa maayos na negosasyon.
Mayroong tatlong puntong nais ipaunawa ni Amb. Manalo patungkol sa tunggalian para sa KGI. Una ay dapat makabuo ang Pilipinas ng magandang relasyon sa pagitan ng ibang mga bansa. Hindi dapat maghanap ng kaaway sa halip ay maghanap ng kakampi. Tulad lamang sa sinaunang pamayanan kung saan mayroon sanduguan upang makuha ang tiwala ng dayuhan. Pangalawa ay nararapat lamang na ang mga kasalukuyang pinuno at mga matataas na opisyal ng Pilipinas ay hindi lamang padalos-dalos ang desisyon para sa bansa. Tulad din ito sa sinaunang pamayanan kung saan pinahalagahan ang opinion at desisyon ng mga namumuno kung kaya’t dapat ay mahusay ang mga pinuno. Ang pangatlo naman ay ang importansya ng media hindi lamang dahil napakalakas ng impluwnesiya nito sa taumbayan, kung hindi dahil din sa maaring ito ay magbunga ng away o kaayusan sa pagitan ng mga bansa. Ang naalala ko dito ay ang mga dokumentong nahagilap tungkol sa sinaunang pamayanan sa kung saang marami ay walang katotohanan. Ang mga maling impormasyong ibinahagi sa publiko ay nagkaroon ng masasamang epekto at nagdulot ng baluktot na mga paniniwala. Kung sa gayon ay makikitang napaka importante para sa media ng kasalukuyang panahon na siguraduhing maayos na pinag-aralan ang lahat ng material na kanilang ibabahagi sa publiko.
Sa kabuuan, ang pinakamgandang paraan sa pagtalakay sa poblema tungkol sa KGI ay ang maayos na stratehiya ng pagpapanatili ng kaayusan. Ang Pilipinas ay dapat manigurado na maayos ang relasyon nito sa ibang bansa at dapat umiwas sa karahasan.

Rizal: Bayaning Third World (09 2012)
Sa katotohanan, simula pa noong pakonti-konting pagaaral naminl sa high school tungkol sa buhay ni Rizal, ang natatanging napulot na kaalaman ko lamang sakanya ay isa siyang dalubhasang tao na maraming alam at siya rin ang nagsulat ng Noli Me Tangere at El filibusterismo na naging inspirasyon ng mga Pilipino upang makadama ng makabayang sentimyento. Ngunit hindi kailanman naging malinaw sa akin kung ano nga ang naging posisyon ni Rizal sa rebolusyon.
Si Rizal nga ba ay nagbalik loob sa simbahan at tinalikuran ang layunin ng pagbabago para sa Pilipinas? Kung iisipin, maari naman sana nya gawin ito dalawang bagay na ito nang hindi nakakaapekto ang isang desisyon sa isa pa. Ang ibig kong sabihin ay, maari naman sana siyang maging Katolika at kasabay nito ay suportahan parin ang rebolusyon dahil magkahiwalay naman ang dalawang bagay na ito; ang isa ay usapin ng pananampalataya at ang isa naman ay usapin ng makabayang kalooban. Subalit noong panahon ni Rizal, tulad nga ng sinabi nung artista sa palabas na pinanood namin sa klase, ang simbahan at ang gobyerno ay iisa lamang. Kung kaya’t kung ano man ang naging konbiksyon ni Rizal ukol sa isa, halimbawa sa kanyang pananampalataya, ay lubhang maapektohan talaga ang kalalabasan sa kanyang pulitikal na posisyon.
Dahil din sa palabas na pinanood namin, nakita ko ang naging tila malaking papel ni Josephine Bracken sa mga desisiyon ni Rizal. Mayroon palang posibilidad na ang kanyang haka-hakang pag hindi sang ayon sa rebolusyon ay dahil sa kinailangan nyang maging Katoliko, na nangangahulugang kailangan nyang magbalik loob sa simbahan, para lamang mapaksalan nya si Bracken. Ngunit ang masaklap dito ay walang patunay na talaga ngang ikinasal sila, at wala ring patunay kung talagang nagbalik loob si Rizal at kasabay nito ay pag talikod mula sa layunin ng mga rebolusyonaryo. Mayroon mang kasulatan na inilabas ukol sa kanyang pagbalik loob, pinagtatalunan naman ang pagiging tunay ng dokumentong ito. Sa madaling salita, walang kasiguraduhan kung ano nga ang nag dulot kay Rizal na tanggapin ang kanyang kamatayan. Ito ba ay dahil panatag ang kanyang loob dahil siya ay mamamatay bilang Katoliko, o ito ba ay dahil hanggang sa huling hantungan niya ay hindi nya binabawi ang kanyang pananaw na ang Pilipinas ay dapat maging malaya mula sa hawak ng Espanya?
Marahil ang kagusutang ito sa kasaysayan ang dahilan kung bakit hindi ipinakilala sa aming klase ng Kasaysayan ang bahaging ito ng kwento tungkol kay Rizal. Dahil ang tanging kasiguraduhan lamang ay binitay si Rizal. Walang katiyakan sa mga importanteng detalye na magbubuo ng imahe niya bilang isang pambansang bayani.

Sigaw ng Pugadlawin (082930)
Noon Lunes ay sinasabing anibersaryo ng isang kaganapang napaka-makasaysayan para sa Pilipinas. Noong 1896 naganap ang Sigaw ng Pugadlawin kung saan pinunit ng mga Katipunero ang kanilang mga cedula – isang napakamakapangyarihang simbolo ng pag-aaklas sa pamumuno ng Espanya sa Pilipinas.
Noong araw ng anibersaryong iyon, wala akong kahit anong ideya na iyon pala ang dahilan kung bakit walang pasok ang mga paaralan. Nakakahiya mang aminin ngunit hindi ko talagang inalam ang dahilan ng pagkawala ng pasok. Kaya noong naatasan na magsulat ng pagwawari-wari patungkol sa araw na iyon, wala akong ideya kung ano ang maari kong maisulat. Ngunit ngayong napag-isipan kong mabuti, kahit na hindi ako malay sa importansya ng araw na iyon, malaki ang epekto sa akin ng pangyayari noong araw ng Sigaw ng Pugadlawin.
Bilang isang naninirahan sa Pilipinas, natatamasa ko ang benepisyo ng pagiging parte ng isang komunidad na hindi nakararanas ng racism mula sa mga Espanyol. Mayroon mang racism ay minimal lamang kumpara sa maaring maging sitwasyon kung sakaling sakop parin ng mga Kastila ang Pilipinas. Para sa akin, ang araw na iyon kung saan konkretong ipinakita ng mga Pilipino na hindi na sila magiging sunod-sunuran sa pagpapatakbo ng mga Kastila, ay isang malaki at espesyal na hakbang na nagdulot ng liberasyon hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa bawa’t mamamayan nito. Dito napakitang hindi walang laban at mas lalong hindi walang nais para lumaban ang mga Pilipino.
Kung wala ang pangyayaring ito sa kasaysayan ng Pilipinas, hindi ko matatamasa ang kalayaang nararanasan ko, at kung totoosin, ang kawalang bahala ko patungkol sa mga poblema ng ating nasyon. Hindi ko sinasabing maganda ang kawalan ng bahala at malay tungkol sa mga bagay na ito. Kung totoosin ang idinidiin ko ay ang katunayang umabot na sa ganitong punto ang tindi ng ating kalayaan. Kung kaya’t dapat tayong magtanaw ng utang ng loob sa ating mga ninuno para sa pangyayaring ito.
Ang pangyayaring iyon ay ang dahilan kung bakit noong Lunes naranasan ko ang kalayaan ng panood ng mga palabas na hindi limitado lamang sa nais ipapanood ng mga Kastila sa mga Pilipino, ang kalayaan ng pamimili ng gamit bilang isang kapantay at hindi bilang isang barbaro, ang kalayaan ng paglalakad sa kalsada na hindi natatakot na alipustahin ng mga opisyales ng mga kolonisador, at higit sa lahat ang dahilan kung bakit maari akong mamuhay sa Pilipinas bilang isang mamamayan at hindi bilang isang alipin ng isang bansang nais akong gawing sunod-sunuran lamang. Sa karagdagan, ang pangyayaring iyon ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit maari akong magsalita ng walang alinlangan, kung bakit maari akong magsulat ng walang takot, kung bakit mas kayang abutin ang ganitong klaseng edukasyon na kung hindi ay mas mahirap ang daan patungo. Salamat sa aking mga ninuno at dahil sakanila isa ako ngayong malayang mamamayan ng itong demokratikong bansang Pilipinas

Ayala Museum (070212)
Maraming pumukaw sa aking interes nung ako ay pumunta sa Ayala Museum. Malaking bahagi nito ay marahil dahil sa paraan ng pagsasaayos ng museo sa kanilang mga tanghal na tila pang internasyonal ang dating. Pwedeng masabi na “I saw history in a different light”. Natuwa ako sa isang bahagi ng kanilang tanghal kung saan mayroong mga dayorama at kasabay ng obserbasyon ay maaring makinig sa audio naratibo na nagpapaliwanag sa mga pangyayaring naganap sa bawat dayorama. Nagsimula ang tanghal sa dayorama tungkol sa isang senaryo sa Palawan Tabon Cave na naganap noong circa 50,000 hanggang 6000BC. Sinasabi rito na sila ay gumagamit ng flakestones bilang isa sa kanilang mga pang araw araw na kasangkapan. Ang sumunod naman ay isang dayorama tungkol sa Palawan Burial Cave na naganap noong circa 5000 hanggang 500BC. Dito ay nagsimula namang yumabong ang teknolohiya ng paggawa ng mga paso. Isa sa kanilang mga itinatampok na paso ay ang Manunggul Jar. Idinidiin sa tanghal na ito na hindi primitibo ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila dahil mayroon na silang ganitong uri ng teknolohiya. Tumalon naman sa 6000BC ang sunod na tanghal kung saang panahon ay tinatayang Golden Age of Philippine Pottery. Ang senaryo ay nasa Bicol at maraming tao ang naghuhulma ng mga paso. Namamangha ako sa ideyang ito dahil sadyang kumplikado ang buong proseso ng paggawa ng mga paso at ipinapakita lamang na mahusay ang sinaunang sibilisasyon sa pag buo ng kanilang mga sarili upang makabuo ng isang sistemang ganoon. Marahil isa pang patunay sa kanilang kakayahang buohin ang mga sarili ay ang tanyag na Banawe Rice Terraces na nabuo noong 12 daang taon. Marami pang ibang dayorama na pumukaw ng aking interes tulad na lamang noong mula sa salaysay ni Pigafetta tungkol sa Unang Misa noong Marso 16, 1521, yung Digmaan sa Mactan noong 1521, at pati narin ang kontrobersyal na Paggawa ng Kanyon ni Panday Pira noong 1571. Marahil nakatulong sa pagpukaw ng aking interes ang angkop na naratibo sa bawat senaryo. Hindi lamang pagpaliwanag ang laman ng naratibo kung hindi pati narin mga salitaan at sound effects na siyang higit na nagbigay kulay sa dating tilang “black and white” na pagkakaunawa ng kasaysayan. Ngunit naniniwala rin ako na hindi sapat upang maunawaan ang kasaysayan mula lamang sa pagbibisita at obserbasyon sa mga museo. Kasabay dapat nito ay angkop na pananaliksik at pag aaral ng kasaysayan upang ma unawaan at mabigyan halaga ito ng buong-buo.
Pinuntahan ko rin yung tanghal ng mga ginto. Mayroon akong nakasabay na isang pamilyang dayuhan (karamihan sa mga bisita ay mga dayuhan) sa aking pag iikot sa tanghal ng mga ginto kaya’t naririnig ko ang kanilang usapan, “They sure did it in style!” ang sabi ng tatay nila. Ito ay marahil karamihan ng pinaggamitan ng ginto ang para sa pang araw-araw ng gamit ng mga tiga sinaunang pamayanan tulad na lamang ng mga palamuti, porselas, at mga tasa. Ang ikinagulat ko ay ang bigat na taglay ng mga ito, lalo na ng mga porselas. Mayroong isang hikaw mula sa Eastern Visayas ng sampung daang taon na may laki ng 6.3 x 5.5cm at bigat na 50.2g. Hindi ko lubos maisip kung papaano ito nakayanan ng kanilang mga taenga nang hindi ito napupunit dahil sa bigat. Mula naman sa Surigao ay isang kuwintas na may haba ng 91.5cm at may bigat ng 812g. Para sa akin ay napaka sakit nitong suotin dahil ako nga ay nagrereklamo na sa bigat pa lamang ng 5g na kuwintas. Mula muli sa Surigao ay isang sinturon na may habang 68.2 x 4.9cm at may bigat na 525.1g. Kung sumusuot sila ng pantaloon noon, marahil imbis na makatulong ang sinturon na iyon upang ma-iangat ang pantalon, siya pa ang dahlian ng paglaglag nito. Mayroon ding “cord weight” na gawa sa ginto mula Mindoro. Noong una, napaisip ako kung ano ang cord na sinasabi rito. Padaplis kong naisip na ito ay tulad sa mga cord na ginagamit nating ngayon, ngunit noong binasa ko na yung paliwanag, nalaman ko na ang cord weight na tinutukoy pala rito ay palamuti para sa pagkakatali ng buhok. Ito ay nagtataglay ng bigat na 86.1g. Para sa kanila pag mas maraming ginto, mas maganda kung kaya’t umaabot sa ganoong kabigat ang kanilang dala dala. Mapapaisip ang makabagong Pilipino kung anong klaseng katawan ang taglay ng mga tiga sinaunang pamayanan kung saan nakakayanan nilang mag dala ng ganitong klaseng bigat, at anong nangyari sa katawan ng mga tiga kasalukuyan kung bakit hindi na kaya ng katawan natin magsuot ng ganitong kabigat ng mga porselas. Sa aking pananaw, kasabay ng pagkaubos ng ginto ay siya ring nabawasan ang kaugaliang magsuot ng mga ginto kung kaya’t paunti-unting umangkop sa pag kawala ng bigat ng ginto ang katawan ng mga Pilipino sa kasalukuyan.
Isa sa mga huling nakita ko sa tanghal ng mga ginto na pumukaw sa aking interes ay ang Diadem o putong na mula sa Butuan, Agusan del Norte. Sa tanghal na iyon, mayroong lente kung saan maaring Makita ng mas malakihan ang detalye noon putong. Namangha ako rito dahil napakaliit at espesipiko ng mga detalye sa disenyo ng putong na ito. Marahil masalimuot na proseso ang pinagdadaanan para makabuo ng isang putong na may ganoong disenyo ngunit paniguradong katumbas naman ito ng halaga ng ganda na kinalabasan noong putong.
Sa kabuuan, masaya ako sa naging karanasan ko sa pag-iikot sa Ayala Museum. Marami akong natutunan at mas higit na naunawaan dahil sa karanasang iyon. Sa tingin ko, ang mga museo na ito ay hindi lamang para sa mga dayuhan upang masilip nila ang kasaysayan ng Pilipinas kung hindi para rin mismo sa mga Pilipino upang mas maunawaan nila at mabigyan halaga ang kasaysayan na parte ng buhay nila.

Hindi Ako Ang May Kasalanan
Maliit lamang ang aming pamilya. Tatlo na lamang kaming nakatira sa bahay; ako, si Ate Mai, at si Tatay. Wala narin si Inay, namayapa siya tatlong taong nakalipas dahil sa sakit sa baga, malakas kasi siya kung maka hithit ng sigarilyo. Gayunpama’t tatlo nalang kami, di kami namamanglaw dahil marami naman kaming kaibigan sa bayan; marami akong nakakalarong ibang bata, maraming manliligaw si ate Mai, at marami din namang kainuman si Tatay pagdating Biyernes ng gabi. Halos lahat kami magkakakilala, magkaka-close – para naring isang malaking pamilya. Hindi man kami magkakadugo dama parin naming ang bawat kimbot ng puso ng bawa’t isa. Noong inilibing nga si Nanay, halos bumaha na ng luha sa lugar namin, pati yung mga Ate at Kuyang hindi namin masyadong nakakausap ay humahagulgol din. Dama rin nila yung sakit na hinarap namin noon.
Kaya nama’t noong aking kaarawan, hindi mapakali si Tatay na tatatlo lamang kami nina Ate sa bahay ang magsasalo-salo. Kaya nama’t noong gabing iyon ay lumabas siya para magtawag ng kapit bahay para kumain sa amin. Kaya nama’t kahabag habag ang nangyari sa aking Tatay dahil sa kagustuhang makisama. Pero kahit kaarawan ko ang nagdulot na tumapak ng labas ng bahay si Tatay, hindi ko kasalanan ang nangyari sakanya, kasalanan iyon ng mga Amerikano.
Enero ng 1899 nang nagtatag ng Demarcation Line ang mga Pilipino at Americano. Marahil hindi nila napansin na naipit sa gitna ang bayan namin sa pagtatag nila ng linya. Hindi nila ito napansin tulad ng hindi pagpansin naming nakatira sa bayan. Maswerte narin lamang siguro at hindi kami pinalalayas sa paratang nab aka kami ay maaring maging sagabal sa kasunduan kung saan ang hangganan ng linya ng para sa mga Pilipino. Ngunit hindi sinwerte si Tatay noong gabing iyon, noong gabi ng aking kaarawan.
Amoy na amoy sa buong bahay ang pansit na nililuto ni Ate, palibhasa ay maliit lang naman ang aming bahay. Linanghap ko ng todo-todo ang bango at init ng pansit na minsan lang naming natitikman sa isang taon, tuwing mayroong kaarawan lamang. Kinagabihan ay naupo na kaming tatlo sa hapag kainan, handa na sana naming kainin yung niluto ni Ate Mai nang biglang maalala ni Tatay na maari pala kaming mamahagi ng kakaunti sa aming mga kapitbahay. Tinawag ko siyang pabalik sa kagustuhang matikman na ang pansit ni Ate ngunit di siya nagpapigil. Napagsabihan pa tuloy niya akong masama ang maging hidhid, dapat raw ay marunong mamahagi at makisama sa ibang tao. Naupo na lamang ako habang tinitignan si Ate Mai na iligpit ang mga plato at maglabas ng maraming dahon ng saging na lalapagan mamaya ng ihahaing pansit.
Abala si Ate sa paghanda ng kakainan namin kaya’t lumabas muna ako ng bahay, sinubukan kong hanapin kung saan pumaroon si Tatay nang matawag ko na siyang pabalik para kumain. Naglalakad lamang ako sa tahimik naming kalye nang biglang may narinig ako sumigaw ng “Halt!” Napatalon ako sa gulat at nagtago ako sa likod ng isang puno ng niyog sa takot na baka ako ang nasigawan. Malayo yung taong sumigaw mula sa kinatatayuan ko kaya’t napagsapantaha kong isang Amerikano ang sumigaw dahil sila lang naman ang may ganoon boses; malakas, nanginibabaw sa kapayapaan ng paligid ng aming bayan. Isang kapwa kong Pilipino ang sinigawan nya, naglalakad kasi siya papalapit sa kinaroroonan ng Amerikano. Sumigaw ulit ng isang “Halt!” yung Amerikano na sinagot naman din ng “Halto!” noong Pilipino. Laking gulat ko nang may narinig ako putok at biglaan na lamang bumagsak sa sahig yung Pilipino. “Anong nangyari?” Tanong ko na lamang sa sarili habang mas hinusayan ko pa ang aking pagtago sa likod ng puno.
Ilang segundong makalipas, nakita ko na si Tatay na kasama si Chong, nagmula sila sa tarangkahan, marahil ay pabalik na sa aming bahay. Dali dali ang kanilang paglakad, marahil ay alam ng Tatay na gutom na kami ni Ate Mai. Tatakbo na sana akong palapit sakanila para sumabay pauwi ng bahay at maikwento narin ang aking mga nakita nang makarinig ako ng isa muling napakalakas na pagsigaw ng “Halt!” na nasundan kagad ng isang putok.
Kitang kita na ng mga mata ko ang pangyayari dahil malapit na ako kina Tatay. Dalawa na silang Amerikano noon, yung isa ang sumigaw, at yung isa naman ang nagpaputok ng baril. Binaril noong Amerikano ang Tatay ko. Ang Tatay kong nagtawag lamang ng makikisalo para sa aking kaarawan. Hindi pa nakontento yung isang Amerikano at pati si Chong ay binaril din. Tumakbo na lamang ako pauwi ng humahagulgol sa sobrang takot na baka pati ako ay mapatay nila. Tumakbo ako ng tumakbo hangga’t may nakasalubong akong Manong na tinanong kung ano ang nangyari sa akin, ikinwento ko sakanya ang lahat at kahit paputolputol ang aking pagsalita kasabay ng aking pag hagulgol, paunti-unti niya itong naintindihan. Pinagsabihan niya akong umuwi na at huwag lalabas ng bahay at dali-dali na siyang naglakad papalayo sa akin.
Nilakad kong mag-isa pauwi ang madilim at malungkot na kalye. Humihikbi habang inaalala lahat ng nangyari ilang minutong nakalipas lamang. Iniisip ano ang sasabihin kay Ate Mai na walang kaalam alam at naghihintay lamang sa pag-uwi namin ni Tatay. Makikisalo lamang si Chong sa aking kaarawan at pinatay na nila, nag-imbita lang si Tatay at kinitilan na nila ng buhay, marahil yung manong na nakasalubong ko kanina ay mapapatay din nila. Ngunit hindi ako yung may kasalanan. Yung mga Amerikano, sila ang may kasalanan.

Isang Pagpaparangal sa Mga Sundalo: Ang Mga Tunay na Ina ng Bayan
Ang sundalo ay isang dakilang ina ng kaniyang bayan, ang bayan na tila ay kaniyang pinakamamahal na anak. Ginagawa niya ang kaniyang mga tungkulin kahit taliwas ito sa personal niyang kapakanan. Nawawalan ng halaga ang kaniyang mga luho at pati narin ang personal niyang pangangailangan oras na ibigay niya ang kaniyang sarili sa isang bagay na higit na malaki kaysa sa kaniya,
Pikit mata ang sundalo sa mga sakit na nadadama niya; pisikal na kapansanan, pagkalingaw, at higit sa lahat ang pananabik sa kaniyang lipi. Pinagtitiisan niyang mawalay sa kaginhawaan ng buhay sapagkat naniniwala siyang higit na importante ang kalagayan ng anak kaysa sa sarili.
Maliban sa pagsasakripisyo, ay marami pang ibang hinaharap ang isang sundalo. Nang pinasok niya ang pagsusundalo ay natauhan siya na mayroong higit na maraming tungkulin ang isang sundalo sa isang puwersahan bukod sa pakikipagdigmaan: Nararapat na siya ay manatiling malakas at malusog, hasa ang isipan sa pagbuo ng mga estratehiya, matalas ang pakiramdam para malaman kung sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan, may disiplina at bukal na kaloobang alagaan ang kaniyang bayan. Ang lahat ng ito ay siyang magpapasiya sa kaligtasan at kapakanan ng kaniyang anak.
Sa maraming pagkakataon ay hindi nabibigyan ng tamang pagpapahalaga ang pagseserbisiyo ng isang sundalo. Ginagawa niya ang lahat ng klaseng pagsasakripisyo mapasalamatan man siya o hindi. Madalas pa ay ibinubuwis niya ang kaniyang kaligatasan. Ngunit ayos lang sakaniya na hindi sila mabibigyan ng sapat na rekognisyon dahil ganoon na lamang ang pagmamahal niya sa kaniyang bayan, sa kaniyang anak.
Ang sundalo ay isang inang dakila. Siya ay nagtatrabaho sa likod; hindi nabibigyan pansin, hindi napasasalamatan ng sapat, bumubuwis ng buhay ngunit hindi naghahangad ng karangyaan. Ang kanilang langit na siyang kay hirap abutin, ito ay sakripisyong paghirapan at kalianman ay hindi lubos na maiintindihan ng iba. Ang kanilang langit na siyang natatamo sa kamalayan na napaglilingkuran niya ang kaniyang mahal na anak, Ito ay natatamo lamang sa kaniyang pagiging isang dakilang ina sa bayan.

Isang Pagtutol sa Gay Marriage
Naging mainit na usapin sa kongreso ang posibilidad na gawing isang kriminal na kaso ang tangka ng dalawang homoseksuwal na magpakasal. Ayon sa GMA news, kaakibat nito ay hinaharangan din ni Rep. Bienvenido Abante Jr. na maipatupad ang mga anti-discrimination rights ng mga homoseksuwal. Ito ay sa kadahilanan na ang pagiging homoseksuwal ay imoralidad, isang kasalanan sa Diyos. Malinaw na baluktot ang pangangatuwiran ni Rep. Abante dahil hindi niya binigyan ng kaibahan ang kahulugan ng homosekswual na identidad sa homosekswual na gawain. Ngunit bagaman baluktot ang kabuuan ng proposisiyon niya, mayroon siyang pinatutunguhang ideya na kung susuriing mabuti ay tama. Ang kaniyang pinangangambahan ay ang kasunod na pagpilit ng mga homosekswual sa kanilang karapatan sa pagpapakasal sa isa’t isa. Sa usaping ito makikita ang tunay na poblema.
Isang pangkalahatang kaalaman na ang kahalagahan ng relihiyon ay malalim na nakatanim sa kultura ng mga Pilipino. Bilang mga Pilipino ay nararapat lamang na respetuhin natin ang mga kahalagahang ito na itinatag sa atin di lamang ng Bibliya (Romans 1:26,27) kung hindi ay pati narin ng ating mga ninuno. Kasama rito ang paniniwala na ang kasalan ay banal at nararapat na mangyari lamang sa pagitan ng isang lalaki at isang babae. Iyon ang utos ng Diyos at bilang isang Kristyano, walang alinlangan itong dapat sundin. Iginigiit ng ibang homoseksuwal na ang dahilan sa hangarin nilang magpakasal ay dahil sila ay nagmamahalan. Ayon nga naman sa Bibliya, ang pagmamahal ay nararapat suportahan at hindi pigilan, ngunit ang pinaka-unang dapat matanto at maunawaan ng lahat ay: ang pagmamahal ay hindi natatanging para sa mga magkasintahan o mag-asawa lamang. Ito rin ay para sa magkakapamilya, sa magkakaibigan, atbp. Maraming paraan upang magpalaganap ng pagmamahal, hindi kailangan ng kasalan upang maipakita mong mahal mo ang kapwa mo. Pangangatuwitran naman ng ibang homoseksuwal na ang kanilang pagpapakasal ay isa lamang rason upang makapagpadaos ng mga handaan, kaya’t ayon sa kanila, hindi dapat silang husgahan dahil wala silang maski anong birtud na sinisira. Ngunit wala nga ba? Ang kasalan ay isang banal na pangyayari, isang pagkakataon kung saan pinagkakaisa ang dalawang tao sa ilalim ng aprubal ng Diyos. Hindi ito dapat binabalewala, minamaliit o di kaya’t ginagawan ng kompromisa.
Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang pagiging homoseksuwal ay hindi pinipili, ito ay sinasabing genetiko, ito rin ay sinasabing dulot ng impluwensiya ng kapaligiran na kinalalagyan ng isang tao. Patunay ito na dapat lamang na bigyan ng kinaukulang respeto ang mga homoseksuwal dahil maliban sa kanilang naturang identidad, ay tulad din sila ng lahat ng tao. At dahil dito ay nais kong igiit na kung nararapat na pareho ang trato sa mga homoseksuwal; parehong respeto at lalo nang parehong antas din ng batas and dapat ipatupad sa kanila. Sinasabi nilang hindi nila kasalanang mahangad ang kapwa nila lalaki o babae, na ito ay likas o dulot ng naging kapaligiran nila kaya’t hindi sila dapat pigilan o pagbawalan. Ngunit kung iisipin, ang kleptomaniac ay hindi pinili maging isang kleptomaniac, naudyukan siya ng mga partikular na sitwasyon sa kanyang buhay kung kaya’t siya ay naging ganoon, ngunit iyon ba ay dahilan para pahintulutan ang kaniyang pagnanankaw? Ayon kay Sigmund Freud, ang bawat tao ay may id, ego at super ego, kung saan ang id ang pangunahing nagtutulak sa isang tao na makadama ng libog. Hindi pinili ng tao na magkaroon ng ganitong klaseng di-malay, ito ay likas na nariyaan, ngunit ito ba ay nagiging kadahilanan upang ituring na tama ang kaniyang libog?
Mali si Rep. Abante na hadlangan ang pagpapaatupad sa anti-discrimination bill para sa mga homoseksuwal, pero tama ang kaniyang pinatutunguhang ideya na hindi kailanman marapat patuparin ang kasalan ng dalawang taong pareho ang kasarian. Ang batas ng Diyos ang siyang dapat na pamantayan ng bawa’t isa. Babae, lalaki o homoseksuwal man, pare-pareho dapat ang pamantayan nang kung ano ang tama sa kung ano ang mali.

Pagtanto sa Pag-ibig
Simula noong bata pa, ay tuwang-tuwa ako sa bawat pagdating ng Valentines season. Para sa akin, ang katuwaang nararamdaman ko para sa okasyong iyon ay tulad din ng sa pasko, bagong taon, o kaya sa mga kaarawan; hindi man kasing ekstrabagante ang okasyong iyon, pareho ang tuwang nadadama ko tuwing sumasapit ang Valentines. Nalilibang ako sa hitsura ng kapaligiran tuwing buwan ng pag-ibig; sa aming eskwelahan ay may iba’t ibang klase na kulay pulang papel na nakadikit sa mga dingding ng bawat silid-aralan, ang mga mall naman ay tila pinasabugan ng mga hugis pusong bagay-bagay tuwing pagsapit ng araw ng puso. Noon, malimit pa lamang ang kaalaman ko sa pag-ibig. Buhat ng nakikita ko sa aking kapaligiran, inakala ko na ang pag-ibig ay kasing tamis lamang ng mga tsokolateng hugis puso o kaya’t kasing ganda lamang ng mga namulaklak na pulang rosas. Pawang aliw at tuwa lamang ang aking nararamdaman tuwing ganitong panahon.
Pagtapak ko ng haiskul, marami sa aking mga kaklase ay may kaniya-kaniyang kasintahan, kung hindi naman ay manliligaw. Sa pagsapit ng Valentines season noong unang kong taon sa haiskul, napangingiti na lamang ako sa tuwing makakita ako ng mga sari-saring kulay ng rosas, iba’t ibang hugis ng tsokolate, at naglalakihang stuffed toys (na tatak blue magic) na bitbit ng mga tao sa labas man o sa loob ng eskwelahan. Hindi namang maiwasang kainggitan ko ang aking mga kaklase sa kanilang mga umuusbong na pag-iibigan noong panahon na iyon dahil sabi nga, “Love is in the air.” Iyon ang mga panahong hiniling ko sa Diyos na ako ay magkaranas din ng ganoong klaseng lingap.
Tila pinakinggan ang aking dasal noong sumunod na taon dahil ako ay nagkaroon ng manliligaw. Bagaman hindi ko binalak na ang manliligaw na iyon ay maging aking kasintahan, hindi namang mapigilang ako ay kiligin sa napakamalikhaing paraan niya para ipakita sakin ang kaniyang giliw; mula sa matatamis na salita hanggang sa mga haranang masigasig nyang inihahandog sa akin. Hindi rin naman mapigilang mapukaw ang aking damdamin sa malikhain pag-gamit niya sa petalo ng mga pula at puting rosas upang palamutian ang aking upuan sa aming silid aralan noong araw ng puso. Iyong taon na iyon, mula sa pagdating at kahit sa paglipas ng araw ng puso, ay nabusog ako sa pagmamahal at pag-aalaga ng aking manliligaw. Inakala kong puro saya at lingap lamang ang pag-ibig kaya naman ay na-enganyohan akong pumasok sa isang relasyon. Limit sa aking kaalaman, mayroon pala itong kasabay na mga hamon.
Natanto ko na ang pag-ibig ay hindi ganoon kasimple. Ang tuwang nadarama ng mga magkasintahan tuwing araw ng puso na sumasapit lamang isang beses isang taon ay may kaakibat palang hirap, pasakit at napakaraming pagtitiis sa maraming pagkakataon. Nariyan ang sari-saring poblemang nagsidaratingan araw-araw; mga di pagkakaintindihan, pagkalito, pag-aalinlangan at tampuhang wari namamaskarahan lamang pala tuwing araw ng puso. Naging alamat na lamang para sa akin ang kasabihang “Love is everything” at napalitan ko ng “Love is deceiving.”
Ngayon, nauunawaan ko na ang katotohanan tungkol sa pagmamahal. Nabasag ang lumang pananaw ko sa pag-ibig at nakita ang panlilinlang ng mga okasyong tulad ng Valentines – ang tsokolate ay hindi lamang puro tamis sa halip mayroon din pala itong pait, ang rosas ay hindi lamang puro kagandahan sapagka’t ito ay may mga nakatagong tinik. Ang araw ng puso para sa akin ngayon ay hindi na lamang isang araw na nagtataguyod ng marikit na pag-iibigan ng mga magkasintahan, kundi isa narin itong araw ng pagpapanggap sa katotohanang may masalimuot na karanasang kaakibat ang pagmamahal.

Isang Panibagong Ideolohiya
Hindi lamang pala isang asignatura ang panitikan. Ito pala, tulad ng pag-aaral ng kasaysayan ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa buhay ng tao.
Na-iimpluwensyahan ng panitikan kung paano tayo mag-isip, kaya’t tulad ng kahalagahan ng pag-aaral sa iba’t ibang larangan ng akademiko, nararapat din na galugarin natin ang larangan ng panitikan.
Maaring mapukaw ang isip natin at lumabas ang ibat ibang ideyang nakabaon sa ating isipan, sa ganitong pamamaraan ay mas nakikilala natin hindi lamang ang kasaysayang pinanggalingan ng partikular na panitikan, kung hindi ay pati narin ang ating sarili.

Sa Atin Ang Huling Desisyon
Ang buhay ay tila isang serye ng “forkroads”. Sa proseso ng ating pagtanda, tayo ay napaliligiran ng mga oportunidad upang gumawang desisyon para sa ating sarili. Ang desisyong napili natin ang mag-uupat ng ating kahihinatnan sa kasalukauyan at magbibigay daan sa atin sa panibagong forkroad na muli nating haharapin.
Bagama’t may isang bahagi ng ating buhay kung saan tayo ay ganap na walang kontrol- kung saang kalagayan tayo ipinanganak. Umaabot sa isang punto ng ating buhay na tayo ay nagkakaroon ng sariling isip at desisyon. Ang mga desisyong nahugis ng iba’t ibang karanasang ating pinagdaan at maaring huhugis ng iba pang kaganapang mangyayari sa hinaharap.
Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo sumasabak sa iba’t ibang pagsusumakit, ang dahilan kung bakit tayo ay kailangan mag-aral at makipaghalubilo sa iba’t ibang tao. Ang buhay ay isang “learning process” , tayo ay patuloy na nasa paghahanap ng kung ano ang dapat kaya’t tayo ay patuloy na natututo. Ang dapat lamang nating ingatan ay ang pangambang saraduhin natin ang isip patungo sa pagkakatuto.

Kawalan ng Kasiguraduhan: Isang Di Mabatang Aspeto ng Buhay
Noon ang buong paniniwala ko ay ang pamumuhay ng isang tao ay tungkol sa kaniyang responsibilidad. Responsibilidad sa sarili, sa pamilya, sa isang komunidad, sa pagiging isang Kristyano. Mayroon tayong kaniya kaniyang mission bukas na pinaghahandaan natin ngayon, para sa akin at sa nakararami, ito ang paraan ng mundo.
Salungat sa nakasanayang paniniwala, may punto ang idea ni Milan Kundera na sa katunayan, ang totoong bigat na dala ng isang tao ay hindi responsibilidad kung hindi ay ang kawalan ng control sa pananagutan sa hinaharap. Kaya tayo may pangangamba, di dahil inaalala natin ang trabahong dapat natin tapusin kundi dahil wala tayong kasiguraduhan kung at tayo lamang ay nasa ilalim ng awa ng tadhana sa kung ano ang ating kapalaran.

Ang Salita
Ano ang kahalagahan ng salita? Napatuyan na sa katagalan ng panahon na napaka-makapangyarihan ng salita. Ang salita ang pumapaloob sa ating isipan. Ito ang nagdidikta, malay man o di malay, sa ating mga pananaw sa buhay. Naapektohan rin ng paraan ng paggamit ng salita ang impresyon natin sa mga konsepto ng mga bagay bagay. Mali pala ang idiomang “sticks and stones may break my bones but words will never hurt me.”
Kagandahan
Para sa akin, ang kagandahan ay hindi lamang nakapangkat ayon sa kultura at tradisyong kinalakihan ng tao. Ito rin ay nakabatay sa kakayahan ng isang indibidwal. Kung kaya’t madalas, ang mga hirap sa buhay ay mababaw lamang rin ang kaligayahan dahil hanggang doon lang rin naman ang makakaya nilang abutin. Marahil itinuturing ito bilang kababawan ng marami, dahil ang kinasanayang paniniwala ay patuloy tayong lumalakad patungo sa asenso. Ngunit paano kung ang pagpipilian lamang ay ang “lesser of two evil”, kung walang kagandahan na mas hihigit pa kaysa sa nakukuha mula sa kababawan? Papaano ang mga bulag, sila ba ay maaring sabihin na nakpupuna din ng kagandahan? Ang kagandahan ba ay biswal lamang?
Nang ipinikit ko ang aking mga mata at ipinilit gawing galagalang itim ang aking nakikita sa imahinasyon, na-inip ako. Marahil dahil naranasan ko nang makakita ng liwanag kaya dama ko ang pananabik pag ito’y nawala. Hindi ako kailanman nagkaroon ng pakpak, kahit gusto kong maranasang makalipad, hindi naman ako nanabik masyado para ditto, dahil alam kong hanggang eroplano lamang ang aking kakayahang maglakbay sa himpapawid. Kaya’t para sa akin, sa kagustuhan kong makalipad, masarap narin para sa akin ang makadungaw sa bintana ng eroplano na parang lumilipad narin ako, maganda narin pala ang abot ng makakakaya kahit pa ito ay hindi maihahalintulad sa pantasya.

Gulong ng Buhay
Nang mabanggit sa klase ang “Odalisque” na binubuo ng mga typographical elements ni Christian Bok, naalala ko ang kasaysayan ng pagsusulat ng mga Tsino. Kung si Bok ay gumamit ng mga salita upang bumuo ng imahen, ang mga Tsino naman, at kung tutuosin marami pang ibang lahi, ang gumamit ng imahen upang makabuo ng salita. Sa gayon ay naisip kong hindi lamang paulit ulit ang bago, ito rin ay paikot ikot. Ang pinanggalingan ng isang bagay ay maaring panggalingan din ng pinanggalingan nito.
Ang kasabihan ay ang uso ay paulit-ulit lamang, kung iisipin ito rin ay umiikot tulad ng gulong. Kung ang uso dati ay uso rin ngayon, ang hindi uso ngayon ay maari namang maging uso sa kasalukuyan. Kung kaya’t walang pagbabago sa lipunan, lahat ay recycled. Darating kaya ang araw na kasasawaan natin ang lahat? Parte ito marahil ng dahilan kung bakit kailangan mamatay ng tao, dahil siya ay marunong magsawa. Maghanap man siya ng bago, mauubusan din siya kung habang buhay sa maghanap at sa kalaunan ay magsasawa rin. Hindi ang mundo ang makapag bibigay kontento sa kanya dahil hindi naman ito nag iiba, bagama’t patuloy tuloy ang pagpapasabog ng modernidad at technolohiya, marginal lamang ang kasiyahang naabot ng isang tao sa mundo. ibinibigay lamang ng mundo ang inaasahan nang maibigay.

Short Commentary: Sambahin ang Katawan
Noong binabasa ko ang kasaysayan ayon kay Jun, naituring ko bilang simbolo ang marami sa nasabi roon. Mula sa ninuno nya hanggang sa pagiging hubad nya sa maynila hanggang sa mag-isang pagsusulsi ng kanyang damit.
Nakaramdam ako ng ugnayan sa bahaging siya ay naging hubad sa maynila. Naihantulad ko ang aking sarili sa kanya noong tumatakbo syang hubad ngunit bitbit parin ang kanyang bag na walang laman, hindi dahil naranasan kong mahubdan, pero dahil itinuring ko bilang simbolo ng kawalan nang kompyansa sa sarili at sekyuridad ang pagiging hubad ni Jun, at sa kabilang banda ay pagkapit sa dangal na wala naman talagang pinanghuhugutan ang pagbitbit niya sa kanyang bag. Para sa akin, napaka-ayon ng pagkasulat ng bahaging ito. Inilantad and katotohanang minsan ang tao ay kailangang mayroon paring dangal at paniniwala sa sarili para lamang “maka-survive” kahit wala naman talagang tunay na kahulugan ang paniniwalang iyon.

Short Reflection: Rizal vs. Iba
Noong nakaraang biyernes, nakinig kami ng lecture ni Ginang Soledad Reyes. Sa kakaunti kong naintindihan sa kanbyang lecture (dahil napaka bilis nyang magsalita at tilang hinahabol siya ng kanyang hininga), isa sa mga puntong nagdulot saaking mapa-isip ng mas malalim ay ang pagkumpara niya kay Rizal sa isa pang manunulat ng panahon niya.
Ang madalas na sinasabi ng tao ay ang bawa’t indibidwal ay may kaniya-kaniyang “forte”, hindi sila maaring ikumpara sa isa’t isa dahil iba ang kanilang substansya. Ngunit nagulat ako sa pahayag ng Ginang, dahil ayon sa kanya, hindi sumikat ang ibang manunulat nang tulad ni Rizal dahil lamang sa isang rason –hindi sila si Rizal. Naabala ako sa pahayag na iyon, dumaplis rin sa isip ko na isang Rizalista si Ginang. Ngunit nang isipin ko muli ang sinabi nya, naisip kong mayroon itong katotohanan: Kahit natututunan ang talino may mga taong sadyang ipinanganak nang matalino, kahit na-eensayo ang galing may mga tao nang likas sakanila ang galing, at kahit sadyang magaling ang dalawang tao, mayroon paring itinuturing na mas lamang dahil sa mga rasong hindi natin maiisip. Si Rizal ay walang dudang isang henyo, mayroong marming katulad nya ngunit marahil hindi sila sa larangan ng panitikan na-nguna. Marahil sinubukan din ng maraming sumunod sa yapak ni Rizal, ang iba naman ay walang dudang umasenso tulad na lamang ng mga tanyag na manunulat ng ating panahon. Ngunit ang paghahantulad ng talento ng isang indibidwal kay Rizal, o kung sa totoo, sa kahit sino, ay isa malamang sa “taboo” ng ating pamumuhay. Ang bawa’t isa ay nagtataglay ng indibiwalidad, walang ni isang taong magkapareho kaya’t ang tagumpay na ating naaabot ay hindi rin maaring magkapareho.